| |
Teleserye Loveteams: |
|
| |
| |
|
|
|
|
|
|
|
Jennylyn Mercado & Mark Herras |
| |
| |
|
Buy Now!!! |
.jpg) |
|
Nina Live! (DVD) |
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
 |
|
Sing Along with Regine & Sarah |
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
 |
|
Let The Love Begin |
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
 |
|
Hottest Disco 2005
|
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
 |
|
Boogaloo, Gasolina and other Dance Hits!
|
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
 |
|
In The Name Of Love (Yasmien Kurdi) |
|
| |
| |
| |
|
|
|
|
|
|
| |
Encantadia |
Jennylyn Mercado &
Mark Herras |
| |
| |
|
Jennylyn Mercado
KAHIT na mismong si Jennylyn Mercado na ang nagsasabing mas gusto na niyang i-celebrate ng simple ang kanyang nakaraang debut, ang producer nila ng pelikulang Say That You Love Me na si Mother Lily Monteverde ay hindi hinayaang maging simple lamang ang pagtuntong niya sa edad na 18. Kaya noong nakaraang May 30, kasabay ng kanilang premiere night sa SM Megamall, ginanap ang debut party ni Jennylyn. Sobrang flattered at masayang-masaya nga ang dalaga sa pangyayaring ‘yun.
“Sobrang happy po ako. Kaya sobrang thankful po ako kay Mother Lily at saka sa sobrang tiwala rin nila sa loveteam namin ni Mark (Herras) ,” simula ngang pahayag ni Jennylyn.
Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay palabas pa rin ang Say That You Love Me , ang launching movie nila ng real life sweetheart na si Mark. At saka first day showing pa nga lang ng naturang movie, masasabing certified box-office hit na ito.
Siyempre pa, masayang-masaya si Jennylyn sa pangyayaring ‘yun…
“Sobra po! Noong una, hindi po talaga maiaalis na kinakabahan kami ni Mark. Launching movie po namin ito at sobra nga po ‘yung tiwalang ibinigay nila sa amin. Kaya sobrang nagpapasalamat po ako sa lahat ng nanood at sumuporta sa amin,” sey nga niya.
Bukod sa naturang movie, very visible rin sina Jennylyn at Mark sa mga Kapuso shows tulad ng season 7 ng Love To Love ngayon kunsaan silang dalawa ang bida sa episode na Love Ko Urok at sa nangungunang telefantasya na Encantadia.
Jennylyn plays the role of Milagros. Api-apihan sa mundo ng mga tao not knowing na isa pala siyang diwata sa Encantadia, at totoong papalit sa reyna bilang tunay na Lira. Habang si Mark naman ang gumaganap sa papel na Anthony. Ang mayamang amo ni Milagros na mai-in love sa dalagang katulong.
Obviously, ang dalawa ang nagbibigay ng sobrang kilig sa naturang telefantasya. Sa mga loveteams nga raw ngayon, puwedeng sabihin na silang dalawa ang pinaka-sweet na yata on and off cam pero ganu'n man, patuloy pa rin na naiintrigang nagkukunwari na lamang sila at ang totoo'y for the sake of loveteam na lang daw ang ipinapakita nila sweetness.
Anong masasabi niya ro'n?
“Siyempre po, parang nakakatawa naman,” sey nga niya. “Hindi ko nga alam kung bakit nila sinasabing nagkukunwari na lang kami or break na kami. Kung totoo man ‘yun, bakit hindi namin aaminin. Naamin nga naming kami na, so kung totoo man na break na kami, siguro naman ay magagawa rin naming aminin. Hindi po talaga totoo ‘yung mga ganoong intriga,” pagwawakas nga ni Jennylyn.
Mark Herras
MASASABI ngang may napatunayan na si Mark Herras simula nang siya ang manalong ultimate survivor sa batch 1 ng Starstruck. Siya at ang kanyang ka-loveteam at girlfriend na si Jennylyn Mercado ay parehong malayo na ang nararating. Lalo pa nga't naging matagumpay ang kanilang launching movie na Say That You Love Me . |
|
 |
Sa isang artista, masasabing pinakamalaking hamon kung makakapagdala ba ito ng isang pelikula or hindi. Sa case nila ni Jennylyn, noong Let The Love Begin pa lamang ay sinasabing malaking factor ang loveteam nila sa success ng pelikula. Ngayon sa solo movie nila mas napatunayan nila ang lakas ng kanilang loveteam.
Anong masasabi niya sa pangyayaring ito?
“Sobrang saya po at sobra po ‘yung pasasalamat ko, kaming dalawa po ni Jen, sa lahat ng tumangkilik ng movie namin. Sa lahat ng mga taong sumusuporta at nagtitiwala pos a aming dalawa. Malaki rin po ‘yung pasasalamat ko kay Mother Lily Monteverde dahil siya po ‘yung nagsugal so movie namin. Kay Direk Mac Alejandre rin po. Sobrang happy po ako sa naging resulta ng movie namin at sana nga po, ‘yung mga susunod pa naming gagawin like ‘yung sa mga shows rin po namin ni Jen, sana po ay patuloy pa rin nilang suportahan,” masayang-masaya pahayag ni Mark.
Sobrang laki rin ang tiwala ng GMA network sa loveteam nilang dalawa ni Jennylyn. Kaya nga sa pinaka-number one show ng network,ang Encantadia , silang dalawa ni Jennylyn ang masasabing nangungunang character rito. At ang loveteam pa rin nila bilang sina Milagros at Anthony, ay talaga namang sinusubaybayan.
“Thankful po akong talaga sa GMA dahil sa patuloy na pagbibigay nila nang break sa amin ni Jennylyn lalo na dito sa Encantadia.
“'Yung sa Love to Love naman po, iba naman po ‘yung role ko ro'n, dahil galing akong bundok na napadpad sa city. Doon ko nga po nakilala si Jen kaya Love Ko Urok ang title. Masuwerte po ako dahil nabibigyan ako ng iba't ibang roles at ‘yung loveteam po namin ni Jen, mas marami pa pong naipakita.”
Pinabulaanan din ni Mark ang mga intrigang ‘pilit na pinalalabas na break na sila.
“Hindi po kami break ni Jen. Totoo pong galit-bati, bati-galit kami, pero part po ‘yun ng pag-a-adjust namin sa isa't isa,” tahasan ngang pahayag ng tinaguriang bad boy ng dance floor.
(Articles lifted from Inside Showbiz Magazine)
|
|
|
| |
 |
|
|