| |
Teleserye Loveteams: |
|
| |
| |
|
|
|
Bea Alonzo & John Lloyd Cruz |
|
|
|
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
.jpg) |
|
Now That I Have You (DVD) |
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
.jpg) |
|
Dreamboy (DVD) |
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
.jpg) |
|
My First Romance (DVD) |
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
.jpg) |
|
Bcuz Of U: It's A Date (A 3 in 1 Luv Story) (DVD) |
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
.jpg) |
|
Can This Be Love (DVD) |
|
| |
| |
|
|
|
|
|
|
| |
Ikaw Ang Lahat Sa Akin |
John Lloyd Cruz &
Bea Alonzo |
| |
| |
|
Bea Alonzo
Malapit na nanga maging ganap na dalaga si Bea Alonzo dahil malapit na siyang mag-celebrate ng kanyang debut ngayong taong ito. Kasabay nito, marami na rin ang nagtatanong kung may nagpapatibok na ba ng puso ng dalaga? At siyempre pa, marami ang nag-e-expect na posibleng ang lalaking ito ay ang ka-loveteam niya sa teleserye gn ABS-CBN na Ikaw Ang Lahat Sa Akin na si John Lloyd Cruz. Si John Lloyd ng nga kaya?
“I don't know… we're not really sure naman talaga kung sino ba talaga ang lalaking ‘yun. At palagi kong sinasabi, I'm just waiting for the right time to come. And I believe, ibibigay sa akin ni Lord ‘yun at the right time. At kapag binigay rin sa akin ni Lord ‘yun, alam ko na ayos na ang lahat,” sey nga niya.
Napapansin namin na iba na ang samahan nilang dalawa ni John Lloyd ngayon as compared before na halos hindi sila nag-uusap. Ngayon, gaano niya masasabing ka-kumportable na siya sa binata?
“Kung iku-compare natin sa before, sobrang kumportable na ngayon at nakakapagbiruan na talaga. Ang I could day, mas nakakapag-open na rin ng ilang problems.
“We can never tell… hindi natin masasabi kung siya na nga ba or iba pala? Hintayin na lang siguro natin kapag dumating na ang kabanatang ‘yun.”
Wala bang na-develop sa kanila especially the time na nasa U.S. sila for some shows?
“Mas naging close kami especially noong nasa States kami dahil siyempre mas araw-araw kaming magkasama. Tapos, nag-stay pa kami sa isang bahay, sa producer namin, sa bahay ni Mr. John Ling . Mas marami kaming na-discover sa isa't isa kaya mas naging close kami. Sayang nga lang kasi, hindi ko na na-meet ‘yung mga brothers niya sa New York . Na-late kasi ‘yung visa ko kaya wala ng time,” tila nanghihinayang nga niyang sabi.
Ibang-iba na nga raw ang nakikita sa kanilang dalawa ngayon, may kakaibang spark na sa pagitan nila, isa bagay na pinag-iisipan tuloy ng iba kung sila na daw ba talaga or gumigimik lang para sa kanilang teleserye?
“Alam n'yo naman po na ever since, proud kaming sabihin na never kaming gumigimik ni John Lloyd. Napaka-clean ng loveteam namin at doon proud po talaga kami. Na hindi na namin kailangang gumawa ng gimik para magustuhan ng mga tao.
“Kumbaga what you see is what you get. Hindi kami kailangang umarte na kami or sweetie-sweetie sa kamera, tapos off-cam, ‘di kami nag-uusap, ‘di ba?
“Nagsimula ‘yung closeness namin noong ginawa namin ang Now That I Have You , siguro gumawa na rin ng paraan si Lord na mas maging okey kami at ngayon lang namin nai-enjoy ang friendship namin,” pagbibigay-linaw nga ni Bea. |
|
 |
John Lloyd Cruz
IBANG John Lloyd Cruz nga ang napapanood ng mga tao gabi-gabi sa Ikaw ang Lahat Sa Akin na ipinapalabas sa ABS-CBN weeknights kunsaan muli silang pinagsama ni Bea Alonzo as loveteam sa naturang teleserye.
‘Di nga ba't kadalasan, ang John Lloyd Cruz na pormal, seryoso ang character ating napapanood at nakikita sa kanya, but this time ibang-iba ang character na ginagampanan niya.
“'Yung character na ginagampanan ko rito is very different form the past roles na ginawa ko na. Kahit sino talaga nagulat dahill ako ‘yung may pagkamapang-asar, patawa rito pero sobrang magmahal sa babaeng gusto niya. Maganda ‘yung role, I find it challenging dahil hindi ito ‘yung role na karaniwang ginagawa ko.”
Sey pa ni John Lloyd, sa part niya raw, everytime na gumagawa siya ng isang project or teleserye, ang palagi niyang tinitingnan ay ang material hindi lang ‘yung kung sino ang makakasama niya.
“Palagi akong material base, eh. Hindi ako na-base dahil si malalaking pangalan ang makakasama ko. Syempre added factor din ‘yun magagaling ang makakasama mo. Pero sa soap na ito, kailangan talaga namin ang isa't isa. Saka nakikita n'yo naman siguro, ang gaganda ng mga characters para ibigay lang sa kung kani-kanino,” tahasan pa rin niyang pahayag.
Sa kanilang dalawa naman ni Bea, malayong-malayo ng nga raw ang nakikitang closeness nilang dalawa ngayon as compared before na mapapansin mong halatang pilit lang ang pagiging close or sweet nila sa isa't isa.
Hindi rin maitatanggi na marami ang naho-hope na sana nga raw, mauwi na sa isang totohanang relasyon ang napapanood sa kanila. Ngayong muli na naman silang magkasama, mas may chance raw kaya sa aspetong ‘yun?
“Of course, may chance kung may chance,” pag-amin nga ni John Lloyd.
“Kaya lang sa ngayon, I can say na mas okey ‘yung friendship namin ni Bea although wala pa talagang mas malalim doon.
“Saka ako kasi, hindi naman ako naniniwala sa courtship. Kaya hindi ko talaga alam. Bahala na kung may ma-develop sa amin ni Bea. Ang hirap kasing ipaliwanag noon, basta bahala na kung saan kami dadalhin ng closeness namin,” very honest naman ngang pahayag ni John Lloyd na bukod sa kanilang soap opera, busy rin siya para sa pelikulang Dubai kunsaan, kasama niya sina Claudine Barretto at Aga Muhlach .
(Articles lifted from Inside Showbiz Magazine) |
|
|
| |
 |
|
|