[enter a keyword]
 

 

 

 

 
Teleserye Loveteams:
 
 
 
Angel Locsin & Dennis Trillo
 
 
Buy Now!!!
Let The Love Begin
 
 
Buy Now!!!
Fall In Love Again (Jaya)
 
 
Buy Now!!!
Soundtrip Vol. 7  
 
 
Buy Now!!!
Seven (Special Edition) - (With VCD) 
 
 
Buy Now!!!
In The Name Of Love (Yasmien Kurdi)
 
 
Buy Now!!!
Not Your Ordinary Girl (Re-packaged) - (Includes Bonus AVCD) 
 
 
 
Darna
Angel Locsin &
Dennis Trillo
 
 

Angel Locsin

BILANG Darna ng bagong henerasyon, hind na nga mabubura ang pangalan ni Angel Locsin sa history, tumanda man siya at mawala sa showbiz, mananatili ang pangalan niya bilang isa sa pinakaseksing gumanap na Darna. At bilang Darna, siya ang may pinakamahabang exposure sa lahat ng mga gumanap bilang Pinay superhero dahil hindi ang ito basta pelikula na ilang oras mo lang mapapanood, isa itong telefantasya na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes na aabot ng kung ilang buwan o taon.

Dahil na rin sa teleserye niyang Darna , kinumpirma namin kay Angel ang chika na Dennis Trillo raw ang pinakapaborito niyang leading man, gaano katotoo ito?

“Actually, lahat naman ay okay sa akin, wala namang point of comparison kasi kanya-kanya naman sila ng characters at lahat sila, enjoy naman akong makatrabaho. It's just that, si Dennis, sobrang tahimik, parang curious akong malaman ang pagiging shy niya kaya madalas kapag nasa taping panay ang kausap ko sa kanya. ‘Tsaka before pa naman nakatrabaho ko na siya sa Love to Love at Mulawin , may bonding na rin kami kaya gustung-gusto kong kinukulit siya.”

Kung sakaling ligawan siya ni Dennis at nagkataon namang libre siya, ano ba ang tsansan sa kanya ng aktor?

“Honestly, hindi mahirap gustuhin si Dennis. ‘Yung tipo niya, ‘yun ang hinahanap ng mga babae. Responsible at very cool. Kung pagmamasdan mo siya, tipong parang wala kang magiging problema sa kanya. Kaya lang, may mga bagay na mahirap ipaliwanag kung wala ka sa posisyon, ‘di ba? Kung sakaling ligawan niya ako? Ay! Ha-ha-ha! Hindi ko ma-imagine, kasi friends talaga kami at hindi ko binibigyan ng kahulugan ‘yung mga sweetness niya sa akin. Pero if ever, lets give him the chance, ‘di ba?” sabay tawa ng malakas ni Angel na aliw na aliw sa tanong namin.

Sa dami ng gustong manligaw sa kanya ngayon, ano pa ba ang hinahanap niya sa isang lalaki?

“Simpleng tao lang naman ako. Simpleng lalaki at totoo sa sarili. Hindi sa akin importante ang looks niya, basta mahal ko at naniniwala ako na siya ang lalaki para sa akin. Mararamdaman mo naman ‘yun!” pangiti-ngiting sabi pa ng dalaga sa amin.

Ano naman ang masasabi niya na made na siya ngayon bilang artista?

“Sobrang happy. Lahat ng babaeng artista ay nangarap na matamo ito, although para sa akin marami pa akong dapat patunayan sa sarili ko. Marami pa akong gustong makamit at gustong marating. Sana lang huwag akong pabayaan ng mga fans ko. Kung nasaan man ako ngayon, higit sa lahat sila ang pinagkakautangan ko ng loob, kung hindi sa suporta nila, wala ako ngayon sa kinalalagyan ko!” very proud na sabi pa ni Angel sa amin.

Dennis Trillo

KINIKILALA si Dennis Trillo sa halos lahat ng award giving bodies sa taong ito dahil sa kanyang ipinamalas na galing sa pag-arte sa pelikulang Aishite Imasu . Kaya naman, sobrang saya niya dahil sa hiningi niyang blessings sa Panginoon, sobra-sobra ang ibinigay sa kanya kaya walang dahilan para magreklamo pa siya sa mga nangyayari sa kanya ngayon.

 

“Sino ako para magreklamo pa! Kapal naman siguro ng mukha ko kung sa lahat ng dumating sa akin ngayon ay magrereklamo pa ako. Lahat ng nararamdaman ko ngayon, puro pasasalamat sa mga taong tumulong at nagtiwala sa akin at dahil sa mga award na nakuha ko naging mas malaking inspirasyon ito sa akin,” simula ni Dennis.

Hindi nga inaasahan na magpapakitang gilas siya sa pag-arte, kung noon minamaliit ang kakayahan niya, ngayon tinitingala ang kanyang kahusayan.

“Kaya nga mas may pressure na ngayon. Mahirap pero kakayanin ko. Ibinigay nila ito sa akin kaya dapat lang na alagaan ko,” maikling sabi pa ni Dennis sa amin.

Siya ang leading man ni Angel Locsin sa Darna . Marami ang nagsasabing bagay silang maging mag-loveteam, ano ba ang dating sa kanya nito?

“Syempre flattering dahil sikat na sikat ngayon si Angel. Of all the guys na puwedeng ipareha sa kanya, isa ako sa napili kaya sobrang flattering ‘yun sa akin.”

Hindi maitatanggi na nang maipareha siya kay Angel ay lalong kuminang ang kanyang pagiging artista. Sa puntong ito, kaya ba niyang masabi na without Angel ay puwede siyang mag-move on?

“Oo naman, nag-start akong mag-artista without her. Nagkaroon ako ng maraming projects sa sarili kong kayod. Nu'ng maipareha ako sa kanya, alam kong malaki ang naitulong sa akin noon. Dumami lalo ang mga fans ko.

“Sa tingin ko, nagkaktulungan naman kami. Lalo na sa Darna , maraming sumusubaybay sa team-up namin kaya I guess pareho kaming nagbe-benefit. Siguro, it so happened lang na mas napapansin ang babae kaya nasasabi nila ‘yun!” sabi pa ni Dennis.

Open sa public na pareho silang may ibang karelasyon ngayon, may disadvantage ba ito sa career nila?

“I hope na sana ay wala. I mean, matatalino na ang mga viewers ngayon, hindi mo na sila pwedeng lokohin ngayon kaya I guess kung ano ang nakikita lang nila sa akin, hindi na ako lumalagpas doon. Hindi ko naman kailangang sakyan ang gimik para kagatin ang team-up namin. With the success at high rating na nakukuha ng Darna, sa tingin ko naman tanggap naman ng mga viewers ang totoo sa amin off cam!” say pa ulit ng binata.

(Articles lifted from Inside Showbiz Magazine)


 

 

Customer Service  |  Store Locator  |  Business Opportunity  | Free Newsletter  |  Contact Us
© 2001 Tatak Pilipino.
All Rights Reserved 2004
Read the tatak.com company policy, privacy policy and how to order