

INALLY tinanggap na rin ni Katrina Halili ang offer ng Regal Film to do sexy movie pero wholesome ang dating. Parang Pretty Woman ang tema ng istorya na ang magdidirehe ay si Jhet Monteverde.
Last Monday pumirma ng 4-year contract ang dalaga sa Regal Films kasama sina Yda Henares na siyang namamahala ngayon ng kanyang showbiz career under GMA Artist Center .
Sabi ni Katrina, kung ano raw ang ipagagawa sa kanya ng director sa launching movie niya ay wala siyang tutol.
Aniya: "Walang limitasyon basta kailangan talaga sa pelikula. Ganyan kalaki ang tiwala ko sa Regal Films. Alam ko naman na hindi nila ako pababayaan pagdating sa mga daring scene.
"Alam ko rin na hindi papayag sina Mam Yda (Henarez) na mababoy ako sa movie. Pero if ever na kailangang maghubad ay okey lang as long na di lalabas na bastos."
Si Dingdong Dantes ang napipiling leading man ni Katrina na malamang ay magkaroon sila ng maiinit na lovescene. Pero nagpahabol itong puwede din daw si Dennis Trillo kung babagay daw sa actor ang role.
Thankful si Katrina sa pagtanggap sa kanya ng Monteverde family at sa mga programa ng GMA 7 at QTV Channel 11 na nagbigay ng pagkakataon para mailabas niya ang kanyang talento.
* * *
Sa taping ng Ganda ng Lola Ko last Monday ay guest si Paolo Contis sa role na isang bumbero. Nagpaunlak ang actor na magpa-interview sa kumakalat na balitang si Isabel Oli na raw ngayon ang itinitibok ng kanyang puso.
Ani Paolo: "Walang katotohanan na may relasyon kami ni Isabel. Nagkataon kasi na halos lahat ng show na pinaglabasan ko sa GMA 7 ay magkasama kaming dalawa kaya akala siguro ng mga nakakita ay magsyota na kami.
"Sadyang malapit lang kami sa isa't isa at hanggang doon lang 'yun. Magmula kasi nang magsama kami sa Sugo ay naging close na kaming lahat. Lumalabas kami na grupo. Wala akong natatandaang kaming dalawa lang ni Isabel ang magkasamang gumimik.
"Aaminin ko na mayabang ako lalo't nasa labas. Yun talaga ang ugali ko at ayokong magkuwanri. Walang malisya sa akin ang mga yakap-yakap ng artistang nakakasama ko sa sitccom. Dahil kapag nagkamalisya na ako sa yakap ng isang babae... isa lang ang ibig sabihin nu'n -- mahal ko siya," patuloy ni Paolo.
Sa taping ng GNLK ay nagkita at nagkaharap sina Marco Alcaraz (naging BF diumano ni Isabel) at Paolo dahil mainstay ng naturang sitcom ang una.
Wala naman kaming napansin na nagkaiwasan ang dalawa. Patunay lang ito na alam nila ang mga intrigang naglalabasan sa kanila.
* * *
Three years ago nang mag-stop mag-produce ng movie si Mrs. F. The film: You and Me Against The World, co-starring Robin Padilla and Kris Aquino.
For a while, Mrs. F concentrated on her real estate business. Na talaga namang naging very successful.
With these three 'Manny movies,' is Mrs. F back for keeps?
"I'm hoping I will. Gusto kong makatulong para muling mabuhay ang industriyang minahal ko at sinasabi nilang malapit ng bawian ng buhay," ang madamdaming wika ni Mrs. F.
-
- 