[enter a keyword]
 

 

   

 

ARTICLE SEARCH

Google
 

Web tatak
 

For Other News, Gossips and Features (see archive)

 
 
 
 
 
Buy Now!!!
I Care
(Rachelle Ann Go)
 
 
Buy Now!!!
Ultraelectromagneticjam: The Music of Eraserheads
 
 
Buy Now!!!
The Way Of Love
(Ciara Sotto)
 
 
Buy Now!!!
Songs Rediscovered (W/ AVCD) (Jed Madela)
 
 
Other Sites
 
 
 

Jolina Magdangal

ABI ni Jolina Magdangal nang makausap namin sa GMA 7 na in-love pa rin siya sa kanyang career hanggang ngayon kaya malabong magpakasal na sila ng boyfriend na si Bebong Muñoz.

Aniya: "In lab ako sa aking career hanggang ngayon, alive and kicking pa rin. Salamat sa inyong walang sawang pagsuporta Though thick and thin, nariyan pa rin kayo to support me.

Bukod sa Starstruck na hino-host ni Jolina at mga co-host na sina Dingdong Dantes at at Raymond Gutierrez may bagong talk show din siya sa QTV Channel 11, ang Bongga Ka Star na magsisimula ang airing sa February 19, at 5 p.m.

"Hindi ito isang talk show o drama show kundi isang Magazine talk show na pawang mga sikat na artista ang aking mai-interview para isiwalat ang kanilang other side bilang actor at actress," kuwento pa ni Jolens.

Tungkol naman sa balitang pagpapakasal nila ni Bebong.

"Naku! wala pang kasalang magaganap next year, hirit agad ni Jolens. Matagal pa bago ako maging Mrs. Muñoz. Wala pa yan sa schedule ko. Saka alam ko busy rin si Bebong sa States at ako dito sa Pinas. Nagkakaintindihan naman kami palagi. Siguro sa 2008 baka puwede na," esplika ni Jolina.

* * *

Ang ganda-ganda ni Sharon Cuneta nang dumating sya sa ABS-CBN at mag-guest sa The Buzz para palakasin ang loob ni Willie Revillame, makiramay sa mga nasawi at the same time para mag-promote ng kanyang Valentine show sa Araneta Coliseum

Sabi nga ng mga nakakita kay Megastar ay payat at sexy na siya. Kaunting pagpapayat na lang ang kailangan ni Sharon para matuloy na ang shooting na pagtatambalan nila ni Aga Muhlach.

Habang ini-interview nina Kris Aquino at Boy Abunda si Shawie ay marami ang nagulat sa studio nang biglang umakyat ng stage si Joshua (anak ni Kris kay Philip Salvador) na ikinagulat din ng Megastar.

Pagkatapos ng interview saka lang nalaman ni Sharon na fans pala siya ng anak ni Kris kaya walang kaabog-abog na umakyat sa stage para kumandong at yumakap sa Megastar.

Hindi naman itinatanggi at ikinakaila ni Kris na isang "special child" si Joshua. Sabi nga ni Sharon na isang blessing daw talaga ang ganoong bata.

* * *

Marami ang nakapansin sa ganda ng kutis ngayon ni Angel Locsin. Bukod sa kuminis ay malaki rin ang ipinayat ng actress.

Kaya naman ikinatuwa ni Dr. Manny Calayan ang pag-acknowledge sa kanya ni Angel sa S-Files last Sunday nang mag-promote ito kasama ang leading man na si Richard Gutierrez para sa movie nilang I Will Always Love You na tulad ni Richard ay endorser din ng Calayan Surgi Centre.

Pagpapatunay lang na binibigyang halaga ng actress ang naitutulong ng mag-asawang beauty expert na sina Dr. Manny at Pie Calayan sa kanyang kagandahan sa pamamagitan ng skin care.

Siyanga pala sina Angel at Richard ang makakasama nina Joey Marquez, Richard Gomez, Raymart Santiago, Benjie Paras at Bearwn Meily mamaya sa Lagot Ka..Isusumbong Kita kung saan napalaban sa kakenkoyan ang dalawa sa LKIK barkada.

- -

 

 Site Services: Customer Service  |  Company Policy  |  Shipping Info Business Opportunity  | How to Order  |  Contact Us
 For questions or assistance, call 1-800-828-2577 (West Coast) or 1-866-828-2577 (East Coast)
 © 2001 Tatak Pilipino. All Rights Reserved 2005