

I Hero Angeles sa Captain Barbell ng GMA-7? Hitsurang hindi.
Naaliw kami sa mga bagong posting ng Pinoy Exchange about the rumors and assumptions na pinapalipad ng Internet viewers na ang magbibida raw sa nalalapit na bagong fantasy soap ng GMA ay sina Richard Gutierrez bilang Captain Barbell, Jennylyn Mercado bilang partner at si Hero bilang si Enteng, ang alter ego ni Captain Barbell na tagabuhat ng barbell. Text pa sa amin ng isang malapit na PeXers, kahit ayaw daw nila si Hero, parang nakakakilig ang kumbinasyong Jenny and Hero.
Let's burst the bubble on this pipe dream immediately. Una, kahit wala pang napipisil na gaganap na Captain Barbell as everything is just speculations at this point, balitang kung sino ang magiging Captain Barbell ay si-ya ring gaganap na Enteng, a new twist in the tale of Mars Ravelo's super hero kung magkatotoo. Ikalawa, binu-buhay nga ulit ang tamba-lang Jennylyn Mark Herras at nire-reconsider ang kani-lang I Love New York soap 'no! So, bakit kailangan pang ipasok ang fallen hero of ABS sa pinakamalakas na StarStruck tambalan?
* * *
GUESS kung sino ang magmi-Miss Saigon sa special 10th anniversary restaging sa Australia , si Denise Laurel. The girl, we specifically visited in Singapore years ago while she was doing the one-season MTV show Rouge is still at it, going places pa rin. After Rouge, nagpahinga muna si Denise at bumalik sa Pilipinas to do local shows like Leya noon sa TAPE and right now is part nga ng O Mare Ko nina Lorna Tolentino, Amy Austria, Sandy Andolong and Gina Alajar sa QTV every Thursday night at 8 ng gabi. Mamaya si Jennylyn Mercado ang guest opposite AJ Eigenmann.
Nang binisita namin ang set ng OMK na nagbago ang address for its second season na magsisimula naman next week, naikuwento ni Denise sa amin that she's about to leave again, for Australia nga, dahil siya ang napiling gaganap na Kim, ang immortal he-roine ng breakthrough stage play ni Lea Salonga noon. Iri-restage pala ang Miss Saigon sa Australia in comme-moration of its 10th year anniversary at si Denise ang napi-ling bida. Hindi pa niya alam kung hanggang ilang buwan siyang magi-stay roon, depen-de siguro kung magi-hit ang stage play. By the way, wala na rin pala si Denise sa kaniyang manager na si Becky Aguila.
* * *
SUPER proud father si Gary Estrada sa kanyang panganay na si Kiko Ejercito. Hindi namin agad na-associate ang bagets na bubuntut-buntot kay Goryo sa taping ng kanilang Now and Forever season four story Tinig kung hindi pa kami ipinakilala rito. Si Kiko ang panganay at kaisa-isang anak sa kanyang ex-girlfriend na si Cheska Garcia. Thirteen years old na siya, grade seven sa Colegio de San Agustin and lives with his mother, his step-father and his two half-siblings.
Tuwing weekends lang nahihiram ni Goryo si Kiko sa kanyang ina dahil no school day naman kinabukasan. The kid, though very cute, is very unassuming. Tahimik lang siya sa isang tabi at kung hindi mo kakausapin, hindi siya sasagot, although the moment you start talking with him, you will realize that he has brains behind his disarming smile.
-
- 