[enter a keyword]
 

 

   

 

ARTICLE SEARCH

Google
 

Web tatak
 

For Other News, Gossips and Features (see archive)

 
 
 
 
 
Buy Now!!!
The Best Of Immortal Pilipino Songs Vol. 3
 
 
Buy Now!!!
Mga Hari Ng Kundiman
 
 
Buy Now!!!
35 Non-Stop Dance Hits: Dancetime
 
 
Buy Now!!!
Ballroom Dancing
Special
 
 
Buy Now!!!
Ballroom Medley
Special Vol. 1
 
 
Buy Now!!!
Ballroom Medley
Special Vol. 2
 
 
Other Sites
 
 
 

Camille Prats

AY mga nasagap ka-ming mga tsismis tungkol kay Heart Evangelista. Bigla tuloy gumuho ang paghanga namin sa pag-katao ng dalaga nang ma-laman namin ang iba't ibang kuwento tungkol sa kanya.

Ang una na rito ay ang tungkol sa walang kama-tayang tsismis tungkol sa relasyon nila ni Jericho Rosales. May balita pang minsa'y nag-live-in na rin ang dalawa, natigil lang ito dahil masyado nang pinag-uusapana ang kanilang love affair.

According to my source, October pa lang ay mag-on na sina Heart at Jericho . Gusto pa ngang sumama noon ni Heart sa US tour ng Hunks kung saan member si Jericho , pero hindi siya pinayagan ng Star Magic at ni Mr. Johnny Manahan.

Nagmakaawa raw at lumuhod si Heart kay Mr. M. (tawag kay Mr. Johnny Manahan sa showbiz) na payagan siyang sumama kay Jericho sa US tour na 'yon, pero hindi raw umob-ra ang pangungulit ni Heart.

"Talagang nagmaka-awa si Heart at lumuhod kay Mr. M para lang pa-yagan siyang sumama kay Jericho, pero sad to say, hindi siya pinayagan," ku-wento pa ng source na-min. "Ewan ko ba kung bakit ganu'n na lang ang kagustuhan niya na pala-ging nakabuntot kay Jericho," dagdag pa nito.

"Imagine, she's willing to pay for her air fare, hotel accommodation, at lahat-lahat ng gastos ay sa-sagutin niya just to be with Jericho sa US tour nito with the Hunks... Naka-kaloka pa lang ma-in love itong si Heart," sabi pa ulit ng source namin.

Dahil sa pangyayari, nagkaroon na ng hindi ma-gandang relasyon between Heart at ang head ng Star Magic na si Mr. M. Dito na raw nagsimulang mag- inarte si Heart at maging pasaway.

* * *

Nitong nakaraang buwan ay nagpaalam si Heart sa Star Magic para magbakasyon sa Amerika, pero hindi siya pinayagan dahil maraming schedules ang masasagasaan kung aalis siya ng bansa.

Ikinagulat ng mga taga-Star Magic ang balak ni Heart na magbakasyon gayung marami pa siyang trabaho. Dito naman nagsimulang lumabas ang ba-lita na diumano'y buntis si Heart kaya pupunta siya sa Amerika.

"Eh, kung walang problema, bakit biglang-bigla na lang siyang magde-decide na umalis ng bansa at magpunta sa Amerika?" reaksyon ng aming source. "Kung totoong hindi siya buntis, dapat harapin niya ang mga tao at i-confront niya ang problema," hirit pa nito.

Dahil sa pagmamahal ni Heart kay Jericho , ma-dalas daw ipag-shopping ni Heart ang aktor. Isang kaibigan namin ang nakakita sa dalawa sa Greenbelt habang ipinagsa-shopping ni Heart ang aktor.

Na-shock naman daw ang parents ni Heart na parang "sugar mommy" ang labas nito sa relasyon nila nila ni Jericho . Ang ending, ipinaputol nila ang credit card ni Heart.

Nakakaloka, di ba?

* * *

HETO pa ang isang kuwento tungkol kay Heart. Super insecure ngayon ang dalaga kay Bea Alonzo dahil hindi siya ang napili ng Star Cinema at FLT Films para gumanap bilang asawa ni Manny Pacquiao sa filmbio nito.

Isang kaibigan din namin ang nagpatunay na kahit noon pa man ay matagal na ring insecure si Heart kay Bea. May mga pagkakataon pa nga raw na tinitingnan ni Heart si Bea from head to foot na parang nakaiinsulto. Biktima rin si Bea ng mga panlalait sa kanya ni Heart nang talikuran.

"Ngayong si Bea ang makakasama ni Jericho sa movie, tiyak na lalong ma-aasar si Heart kay Bea. Kung dati'y nai-insecure lang siya sa dalaga, baka this time ay mamatay na siya sa kaseselos," bulalas pa ng source namin.

"If I know, takot na ta-kot ngayon si Heart dahil magiging malapit si Bea sa boyfriend niya. Afraid si-yemper siya na baka ma-in love din si Echo kay Bea habang ginagawa nila ang mo-vie ni Pacquiao. Hahaha!" tili ng source namin.

Anyway, may mga nalaman pa kaming kuwento sa pag-uugali ni Heart na medyo ikina-shock namin. May pagka-maldita raw pala talaga in real life ang babaing ito. Hindi siya namamansin ng mga baguhang aktor na nakakatrabaho niya.

May unforgettable expe- rience sa kanya ang isang newcomer na winner ng isang talent search. Ayaw na lang niyang idetalye pa ang pangyayari dahil ba-ka nga naman akusahan siya na nanggagamit or something.

* * *

MARAMI ang nagtaas ng kilay sa sinabi ni Camille Prats sa presscon ng latest movie niyang Mga Batang Bangketa under Rosas Production na pinagbibidahan din nina Juan Rodrigo, Marco Alcaraz at Natasha Ledesma.

Papaano buong ning-ning niyang binigkas na hindi totoo ang intrigang niretoke ng FHM ang kanyang fotos kaya lumabas siyang napakaseksi sa pictorial ng naturang magazine. Nagpaseksi raw talaga siya ba-go ang photo shoots para sa FHM. Kaya lang, sa presscon ng Mga Batang Bangketa, kitang-kita naman ang pagiging matsuba pa rin niya. In fact nami-mintog pa nga ang kanyang mukha.

- -

 

 Site Services: Customer Service  |  Company Policy  |  Shipping Info Business Opportunity  | How to Order  |  Contact Us
 For questions or assistance, call 1-800-828-2577 (West Coast) or 1-866-828-2577 (East Coast)
 © 2001 Tatak Pilipino. All Rights Reserved 2005