[enter a keyword]
 

 

   

 

ARTICLE SEARCH

Google
 

Web tatak
 

For Other News, Gossips and Features (see archive)

 
 
 
 
 
Buy Now!!!
Di Bale Na Lang (Di Bale Na Lang Daw, O!)
 
 
Buy Now!!!
Mga Awit Pelikula Ni Christopher De Leon
 
 
Buy Now!!!
Anthology: Dulce, Ivy Violan, Janet Basco
 
 
Buy Now!!!
OPM With Love
 
 
Buy Now!!!
Kabilang Mundo
(Siakol)
 
 
Other Sites
 
 
 

Bamboo

ATAGAL nang humiwalay ang vocalist na si Bamboo sa bandang Rivermaya, pero hanggang ngayo'y associated pa rin sa kanya ang mga kantang pinasikat nila as a group, gaya ng 214, Awit ng Kabataan, Kisapmata at marami pang iba.

Kahit si Bamboo mismo'y umaming nami-miss ding awitin ang mga ito, lalupa't proud daw siya sa buong five years na tinagal niya sa grupo.

Paminsan-minsan, aniya'y tinutugtog din nila ang mga ito ng banda niyang Bamboo rin ang pangalan, lalo na kapag may nagre-request na fans.

Who knows daw, baka kantahin din nila ang isa o dalawa sa original hits niya with Rivermaya sa upcoming concert nilang A Totally Bamboo Affair, na nakatakdang gawin sa Music Museum on Feb. 17, 8 p.m.

"All those people pay as much as P500 for a concert ticket, it's hard-earned money, so ano ba naman 'yung pagbigyan mo sila, di ba?" komento pa ni Bamboo tungkol dito.

Ayaw naming mag-speculate, pero mukhang hindi maganda ang naging paghihiwalay ng bandang Rivermaya ilang taon na ang nakararaan.

Sa tanong kasi kung ano ang reaction niya sa version ni Rico Blanco sa mga kantang una niyang ni-record at pinasikat, ang sagot ni Bamboo, "I don't know. I go my way, they go theirs. Just let the people judge. We don't compete with other bands naman, not even Rivermaya."

Samantala, ang magsisilbing front act ng A Totally Bamboo Affair ay ang 20-year-old underground band na Deceased.

Unang nabuo bilang punk-hardcore group nu'ng 1986, nakatatlong CDs na ang Deceased, na binubuo nina Jai Halimao, Mike Impakto, Pompei the Law Defier, Mr. Jabba at Ray Decay.

Matapos ang Music Museum concert, magkakaroon ng US at Asian tour ang grupo ni Bamboo.

* * *

NAPAPAYAG ni Arnell Ignacio si Joey de Leon na sumali sa pilot game show niyang Now Na! na nagsimulang mag-airing kagabi at 8:30 sa QTV Channel 11.

Honor na ito kay Arnell dahil never tumanggap ng ganitong guesting ang host ng Eat Bulaga. Balita namang enjoy si Joey sa pagi-guest dahil sa trivia ang mga katanungan na mahilig din si Joey sa mga ganitong katanungan sa EB.

Nakasama ni Joey sina Anjo Yllana , Toni Rose Gayda at Ruby Rodriguez at tinawag ang episode na Tahitian group dahil dumaan sa operation ang mga ito.

As usual sina Joey at Anjo ay sa appendextomy at sina Ruby at Toni Rose ay sa panganganak sa ceasarian section.

Balitang ipinaglaban nang husto ni Ms. Wilma Galvante sa mga big boss ng GMA 7 si Arnell para makabalik muli sa netwpork pagkatapos na mangapit bahay three years ago at iwanan ang toprater program niyang K.

Si Arnell ay napiling host ng Now Na, na isang trivia game show na tampok ang contestant ay mga celebrities.

* * *

WALANG pagkalagyan ang mga fan na dumating sa SM Cinema 10 sa Megamall para mananood ng premiere night ng I Will Always Love You. Punung-puno ang sinehan at maging sa labas ay napakaraming nagsipaghintay masilayan lang ang dalawang hotest love team ng bansa.

Sa loob ng sinehan ay dalang-dala ang mga audience sa mga dialog ng dalawa. Sa eksenang maghihiwalay na sina Angel at Richard, nagsabi si Angel na mayroon na siyang ibang mahal.

Aba, sumigaw ang fans na, "Si Oyo Boy iyon" na ikinatawa ng mga manonood. Si Mother Lily ay pumunta lang sa preem night dahil gusto lang niyang makita ang reaction ng mga tao.

Samantala, kita na namin si Annabelle Rama, mother ni Richard, na teary eyed na maaaring dala ng kasiyahan sa response ng tao o kaya'y talagang napaiyak sa ending na nagkabalikan din sina Angel at Richard. Anyway, nagsimula na ang movie kahapon nationwide.

- -

 

 Site Services: Customer Service  |  Company Policy  |  Shipping Info Business Opportunity  | How to Order  |  Contact Us
 For questions or assistance, call 1-800-828-2577 (West Coast) or 1-866-828-2577 (East Coast)
 © 2001 Tatak Pilipino. All Rights Reserved 2005