[enter a keyword]
 

 

   

 

ARTICLE SEARCH

Google
 

Web tatak
 

For Other News, Gossips and Features (see archive)

 
 
 
 
 
Buy Now!!!
Piolo Pacual DVD Collection
 
 
Buy Now!!!
Ang Anak Ni Brocka
 
 
Buy Now!!!
Sandalang Bahay
 
 
Other Sites
 
 
 

Anne Curtis

APANSIN namin at ng ilang press na matamlay si Anne Curtis sa pagsagot tungkol sa mga tanong kung ano na ang latest development sa relasyon nila ng ka-sintahang si Paolo Araneta. Maging ang tanong namin kung anong plano nila for Valentine's Day ay hindi rin sinagot ni Anne.

"Hindi naman kasi ako ang dapat magplano no'n. Pero ,ang alam ko, he has plan for it. Baka he will sur-prise me na lang," lahad pa nito.

Naninibago talaga kami kay Anne nang makaharap namin siya that time. Presscon pa naman 'yon ng Your Song, ang pinakabagong romantic drama anthology ng ABS-CBN na nagsimula na kahapon (Feb. 12) at mapapanood tuwing Linggo pag-katapos ng ASAP Fanatic.

May problema nga ba sa lovelife niya, at on the rocks nga kaya ang relasyon niya with Paolo?

"Wala kaming problema. I can still say that our relationship is perfect," pahayag pa ng dalaga.

Samantala, napag-alaman namin na pinakiusapan si Anne ni Maritess Revilla (ina ni Paolo) na kung maaari ay gawin na lang private ang relasyon nila ni Paolo. Hindi raw kasi maiiwasan na maapektuhan ang damdamin ng binata sa mga tsismis between her and Luis Manzano na alam ng lahat na nanligaw din noon kay Anne.

Teka lang, nagpaalam muna kaya si Anne sa boyfriend nito bago niya gawin ang isang episode sa Your Song na I'll Never Get Over You (Getting Over Me) na si Luis ang kapareha?

Anyway, tampok din sa Your Song ang tambalang Nancy Castiglione at John Prats para sa Para Sa 'Yo, Sarah Geronimo at Mark Bautista para sa Forever's Not Enough, Sandara Park at Joseph Bitangcol sa Everything You Do at Joross Gamboa-Roxanne Guinoo loveteam sa To Love Again. Si Eric Salud ang director ng Your Song na isa rin sa mga direktor ng top rated soap operang Gulong Ng Palad.

* * *

OPISYAL nang inamin ni Jericho Rosales sa presscon ng pelikulang Pacquiao na pinagbibidahan niya at ipoprodyus ng Star Cinema at FLT Films na may relasyon sila ni Heart Evangelista.

Five months na raw silang mag-on at nagsimula ang lahat pagkatapos ng ilang buwang pagsasama nila sa Panday ng ABS-CBN.

"Hindi kasi ako nagbibilang ng buwan. Hindi ko nga rin alam kung kelan ang anniversary namin, pero ang alam ko five months na kami ni Heart. We became close, lagi kaming nagkakasama sa taping kaya 'yon, naging kami na," pahayag ni Jericho .

Choice daw ni Echo kung kelan niya aaminin ang tung-kol sa kanila ni Heart. At wala raw nagbawal sa pag-amin niya ngayon.

"It's my decision. Mas magandang sa akin na rin manggaling, di ba? I'm doing this para maprotektahan na rin siya sa dami ng mga naglalabasan ngayon laban sa kanya. Hindi ako pinagbawalan ng Talent Center . Walang ga-nung pressure. Siguro naman nasa right age na ako para sa-bihin ang gusto kong sabihin," dagdag ng binata.

Ipinagtanggol ni Jericho si Heart sa isyung buntis ito. "It's not true. Hindi siya buntis. Kaya natatawa na lang kami pareho kapag may naglalabasang ganu'ng balita. Yeah, we're always together, pero wala kaming ginaga-wang masama. For me, kasal muna bago buntis. Aayain ko muna siyang pakasal bago si-ya magbuntis," paglilinaw pa ni Jericho .

- -

 

 Site Services: Customer Service  |  Company Policy  |  Shipping Info Business Opportunity  | How to Order  |  Contact Us
 For questions or assistance, call 1-800-828-2577 (West Coast) or 1-866-828-2577 (East Coast)
 © 2001 Tatak Pilipino. All Rights Reserved 2005