[enter a keyword]
 

 

   

 

ARTICLE SEARCH

Google
 

Web tatak
 

For Other News, Gossips and Features (see archive)

 
 
 
 
 
Buy Now!!!
Piolo Pacual DVD Collection
 
 
Buy Now!!!
Ang Anak Ni Brocka
 
 
Buy Now!!!
Sandalang Bahay
 
 
Buy Now!!!
Pinoy Big Brother Vol. 1 & 2: Mga Kuwento at Sikreto Sa Bahay Ni Kuya
 
 
Other Sites
 
 
 

Anne Curtis

A ganda, taas at talino'y 'di maitatatwang malakas ang pag-asang manalo ni Anne Curtis kapag sumali ito sa Bb. Pilipinas.
 
At dahil matagal nang pangarap ni Anne na makasali sa naturang prestigious beauty contest, sumali nga ito, pero sad to say, sa last screening ay na-reject siya dahil sa kanyang Australian citizenship.
 
Anyway, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Anne na makapapasok din siya sa Bb.
Pilipinas para makapagbigay karangalan sa ating bansa.

* * *

Tsika ng aming source, nagtatampo na raw ang ilang executives sa kaartehan ni Angelika dela Cruz. Lahat na lang daw ng project na inaalok nila sa young actress ay tinatanggihan nilang mag-ama. Lalo na raw kapag nabasa nina Angie at Daddy Ernie na kontrabida role ang gagampanang role ng actress.
 
Nauna na ang pagtanggi nila sa fantaserye na Super Inggo, kung saan bida-kontrabida naman ang role ni Angie.
 
Pero tila natauhan na raw ngayon si Angelika dahil nang ipatawag sila ng ilang executives ng Dos para sa teleserye na hango sa blockbuster movie noon ni Sharon Cuneta na Bituing Walang Ninging kasama si Sarah Geronimo, hindi na siya nagdalawang-isip.
 
Taliwas ito sa balita noon na ayaw niya ang project dahil ayaw niyang magkontrabida kay Sarah.
 
Ang character ni Cherie Gil sa Bituing Walang Ningning ang role na ipo-portray ni Angelika sa nasabing teleserye.

* * *

Nagsimula noong Lunes ang ipinatutupad na nine days in mourning ng ABS-CBN 2. Kasama rito ang gawing subdued ang mga show ng network. May advisory din daw sa mga reporter na 'wag i-dramatize si Willie Revillame dahil hindi siya ang istorya kundi ang mga biktima.

Paulit-ulit ding ipinaliliwanag ng istasyon na hindi liable si Willie sa nangyaring stampede, kaya unfair na ito'y sisihin. Sa one week na wala sa Wowowee si Willie, nag-iikot ito't binibisita ang mga na-ospital at nadisgrasya on his own.

Sabi'y babalik na sa regular programming ang WWW sa Sabado. Ang hindi lang tiyak ay kung si Willie na ang magho-host nito.

* * *

Malakas ang audience participation ng fans nina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa premiere night ng I Will Always Love You. May sigawan at palakpakan na'y join din sila sa dialogue. Madalas, nauuna pa silang mag-dialogue sa mga bida na minsan ay tumatama, kaya mas malakas ang tawanan.

Puno ng kilig scenes ang IWALY at bagay na date movie sa Valentine's Day. Kitang-kita pa rin ang nag-uumapaw na chemistry ng mga bida at mas matindi ang reaction ng fans sa maraming kissing scenes ng dalawa at sa pogi scenes ni Richard.

Tanggap ng fans na in real life, iba ang partners nila. Sa eksenang tinanong ni Richard si Angel ng "Who's the lucky guy?," may sumigaw sa audience ng "Si Oyo Boy."

Naghintay na lang kami na may magbabanggit ng name ni Georgina Wilson, pero walang nakaalala.

Nakatutuwa ring makitang sa isang mesa at magkasalong kumakain sina Mother Lily Monteverde at Annabelle Rama. Kasalo nilang kumain sina Eddie Gutierrez at Atty. Annette Gozon-Abrogar at masaya silang nagkukuwentuhan.

Tumakbo for one hour and 53 minutes ang movie at may 35 minutes na in-edit si director Mac Alejandre. Kaya may mga eksena sa trailer na wala sa movie.

Nalaman namin kay Manny Valera na P50,000 per day ang rent sa ginamit na bahay nina Richard, Lloyd Samartino at Jean Garcia.

Bukas na ang regular showing ng IWALY sa mga sinehan at kahit palabas na'y may mall tour pa rin ang cast. Sa Feb. 10, 4 p.m., nasa Glorietta sila at Feb. 11, sa SM North Edsa sila pupunta. Ang sipag talaga ni Richard dahil dumiretso sa last taping day ng Sugo sa Antipolo City .

- -

 

 Site Services: Customer Service  |  Company Policy  |  Shipping Info Business Opportunity  | How to Order  |  Contact Us
 For questions or assistance, call 1-800-828-2577 (West Coast) or 1-866-828-2577 (East Coast)
 © 2001 Tatak Pilipino. All Rights Reserved 2005
 

Adsense Alternative