Advertise Your Site



                              [enter a keyword]
 

 

   

 

ARTICLE SEARCH

Google
 

Web tatak
 

For Other News, Gossips and Features (see archive)

 
 
 
 
 
Buy Now!!!
Power Hits 3
 
 
Buy Now!!!
Double Act:
Duets at it's Best
 
 
Buy Now!!!
Best of Pinoy Folk Rock (4 CD Boxed Set)
 
 
Buy Now!!!
Pinoy Big Brother Ang Soundtrack ng Teleserye ng Totoong Buhay (AVCD)
 
 
Buy Now!!!
The Other Side Live Album
(Sarah Geronimo)
 
 
Other Sites
 
 
 

Pauleen Luna


a huli naming pagkikita ni Pauleen Luna noong premiere night ng The Maid ay natanong namin kung nagpupunta pa rin siya kay Dr. Manny Calayan para sa kanyang skin care.Umiling siya at nagsabing wala ng oras para dumalaw sa klinika dahil sa kabisihan mula nang lumipat sa GMA-7 . Ipinakita pa nga nito ang kanyang baby fats sa tiyan kaya nag-suggest kami na ipa-lipo na lamang niya ito at may bagong teknolohiya ang Calayan Surgi Center na fat-dissolved na non-surgical.

Bigla itong napa-"No!" dahil ayaw nitong mabaog na dulot umano ng liposuction. Maraming kumukumbinsi sa kanya noon pa pero may well-meaning friend siya na umaayaw na magpasailalim siya sa operasyon. Marami na umanong mga pasyente ng liposuction na hindi umano nagkaka-anak at ayaw nitong mapabilang sa kanila.

Sa ngayon ay mas gusto nitong magpapawis para manatiling fit and healthy kaysa mahaluan ng kemikal ang kanyang katawan. Kahit may baby fats pa ito ay nakakabilib ang haba ng kanyang buhok dahil balitang tatlong basketbolista ang kumpirmadong nanliligaw sa kanya. Ang tsika ay talagang pumupunta sina Wesley Gonzales , Ren Ritualo at Mac Cardona sa kanyang tahanan para umakyat ng ligaw pero ngiti lamang ang isinukli sa amin ng dalaga sa aming pagkukumpirma dahil mga kaibigan ang turing n'ya sa tatlong basketbolista.

Maliban dito ay nabalitang nanunuyo rin sa kanya si Keempee de Leon at kung tama ang balita ay naging mag-on ang dalawa na nauwi sa hiwalayan. Nabalita rin na nagpapadala sa kanya ng flowers at chocolate si Gov. Mark Lapid pero itinanggi nitong nagkadebelopan sila.

* * *

WALA pa ring  nagbago sa pag-ibig ni Keempee de Leon kay Pauleen Luna kahit pa binigo siya ng dalaga nang siya'y nagtangkang mangligaw dito noon.
 
Katwiran ni Keempee, handa siyang  mag-hintay sa dalaga kung kailan handa na itong makipag-relasyon. Para sa kanya, si Pauleen ay isang ideal girl friend dahil mabait ito at mapagmahal sa magulang.
 
"Okay lang sa akin kahit bata ang babae sa akin. Kahit naman may edad na  ang isang tao y nag-iisip bata pa rin. Pagdating sa pag-ibig ito ay pantay-pantay. Ang mahalaga ay nagustuhan mo ang ugali at mapagmahal ito," pahayag ni Keempee nang ma-interview namin sa set ng Bahay Mo Ba 'To?

Magkasama ngayon sina Keempee at Pauleen sa daily noontime show na  Eat Bulaga. Dito sila ginawang mag-partner tuwing  portion ng Bulagaan.
 
Sa Bahay Mo Ba' To? ay bading na si Harold ang role niya. Kahit siya'y bading ay in love sa kanya si Francine Prieto. Nagiging lalaki siya kapag siya'y nalalasing.
 
"Mahalaga sa akin ang role na Harold. Dito ako nag-click bilang comedian. Kahit pa sabihing parang ginagaya ko ang father ko sa role na bading ay masaya na rin ako. At least natanggap ng tao na ako'y nagpapatawa lang."
 
Dahil sa Harold role ni Keempee,  may inaalok na project sa kanya si Mother Lily para sa re-make ng mga pelikula ng kanyang amang si Joey de Leon sa Regal Films na pawang kumita nang husto sa takilya noon.
 
"Gusto ko sanang simulan ang Starzan. Kaya lang wala pang script na ibinibigay si Mother Lily sa akin. Nakahanda akong gawin anytime ang remake.
 
Ang mother naman ni Keempee na si Daria Ramirez ay sinasabing like father like son . Kasi, pareho na silang nagbabakla roles ngayon.
 
Anyway, kahit nasa thirties na si Keempee ay hindi siya nagmamadaling mag-asawa. Katwiran niya'y ang pag-aasawa ay bigla lang dumarating sa buhay ng tao.
 
Ang pagkakataon na nadarama niya sa takbo ng kanyang career ay ngayon lang nangyari sa kanya. Super busy siya. May daily show na Eat Bulaga. May daily soap sa TAPE tuwing hapon. May SOP tuwing Sunday at may Bahay Mo BA 'To? tuwing Tuesday.
 
"Almost everyday ay may taping ako. Wala na akong panahon minsan sa sarili ko. Ganyan naman ang tao kapag nagma-mature. Mas gustong magtrabaho kaysa maglakwatsa."
 
Hindi naman dapat magmadali si Keempee sa kanyang pag-aasawa. May anak na rin siya ngayon sa dating non-showbiz girlfriend. May limang taon na ngayon ang batang lalaki. Close kay Keempee ang bata dahil kapag may panahon ay pinapasyal niya ito.

- -

 

 Site Services: Customer Service  |  Company Policy  |  Shipping Info Business Opportunity  | How to Order  |  Contact Us
 For questions or assistance, call 1-800-828-2577 (West Coast) or 1-866-828-2577 (East Coast)
 © 2001 Tatak Pilipino. All Rights Reserved 2005