|
ARTICLE
SEARCH
|
|
|
| |
For
Other News, Gossips and Features (see archive) |
|
| |
|
| |
| |
| |
|
|
|
| |
|
Buy Now!!! |
 |
|
Badass Madapaka: Rex Navarete Live In Los Angeles |
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
.jpg) |
|
|
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
 |
|
Aga Muhlach 3-in-1 DVD Set (Special Limited Edition) |
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
 |
|
La Visa Loca: Para Sa Ma Nalolokang Mag-Amerika |
|
| |
| |
|
Buy Now!!! |
 |
Platinum Hits
(Piolo Pascual)
|
|
| |
| |
|
| |
|
|
| |
|
|
 
AKATUTUWANG pagmasdan ang sweetness nina Bea Alonzo at John Lloyd habang magkatabi sa presidential table ng presscon ng Close to You kamakailan.
Co-produced ng Star Cinema at Close-Up ang Valentine offering na ito. Kasali rito ang 100 contestants na napili noon para sa Close-Up to Fame at ang grand winners na sina Reyson Yap at Carrine Cabebe. Introducing sa pelikula si Sam Milby.
Matagal-tagal ding na-miss ng press people sina Bea at John Lloyd kaya't pinagpiyestahan ang dalawa ng katakut-takot na tanong tungkol sa real score sa kanilang dalawa.
Kahit saang anggulong tingnan, bagay ang magkapareha eventhough older si John Lloyd kay Bea ng ilang taon.
Pero nasa right age na si Bea para magka-boyfriend. Tama rin lang ang title ng pelikula, kaya ang tanong sa kanila'y kung gaano na ba sila ka-close sa isa't isa?
Ani Lloydie: "Habang tumatagal mas nagiging close kami ni Bea. Noon pa naman, eh, iba na ang closeness namin, pero ngayon, lumalalim."
"Natutuwa ako dahil laging andiyan lang si Lloydie. Hindi siya nagbabago. Magmula nang maging magka-loveteam kami, wala pa kaming pinag-awayan. Saka enjoy akong kasama siya. Napaka-gentleman niya," ayon naman kay Bea.
Anyway, isa si John Lloyd sa mga young actor na nu'ng umpisa pa lang ay kinakitaan na ng husay sa pag-arte.
Aba , biro mong gagawin ni John Lloyd ang lahat para mapaibig lang si Bea at huwag mapunta sa iba.
Ka-love triangle kasi nila si Sam, na talaga namang hindi rin nagpatalo sa kaguwapuhan.
Kahit pawang mga baguhan ang kasama nina John Lloyd, hindi naging maramot ang dalawa na i-welcome ang mga ito.
Sabi ng actor, "Malaki ang maitutulong ni Sam sa pelikula namin ni Bea."
Hindi rin nakaligtas si Bea sa tanong kung may kissing scene ba siya kina John Lloyd at Sam. Ipinakumpara rin sa kanya ng writers ang halik ng dalawa sa flavors ng Close-Up toothpaste.
"Magkaiba, eh. Yung kay Lloydie, lasang strawberry, na paborito ko. 'Yung kay Sam, choco loco.
Naku, John, ano ang masasabi mo riyan? Hindi kaya patunay lang ang sinabi ni Bea na totoong may relasyon na kayong dalawa?
* * *
MARAMING natuwa at meron din namang hindi sa pagkapanalo ni Kris Lawrence sa The Final Sowdown ng Search for a Star in a Million last Sunday.
Si Tata Villaruel ang nakalaban ni Kris, dahil unang natanggal si Jimmy.
Sa final showdown nina Tata at Kris, iisang awitin ang kanilang ipinarinig sa napakaraming taong nanood nang live sa Aliw Theater. Composition 'yun ni Vehnee Saturno at may kanya-kanyang bersiyon ang dalawa, pero parehong pinalakpakan ng mga tao.
Si Tata sana ang gusto naming manalo dahil among the three -- Tata, Kris at Jimmy -- siya lang ang wala talagang karanasan bilang singer.
Masasabi kasing professional na sina Jimmy at Kris. Pareho na kasi silang may experience.
Si Kris ay back-up singer ni Jay-R nu'ng nasa Amerika pa sila, si Jimmy nama'y ganu'n din kay Anna Fegi. Kaibigan niya si Anna, at the same time, nagpo-front-act kapag may show ang huli sa iba't ibang probinsya at sa Metro Manila.
In fairness, walang itulak-kabigin sa tatlo. Pero, kitang-kita on screen kung sino ang outstanding sa kanila.
* * *
AFTER the show, nakausap namin ang tatlo sa backstage. Siyempre, walang pagsidlan ng tuwa ang grand champion na si Kris.
Tinanong namin sina Tata at Jimmy kung ano ang feeling nila at 'di sila ang nanalo.
"I felt sad, siyempre. Kahit papaano, masakit. But I'm happy for Kris. He's good. And I know I did my best naman," ani Tata.
"I'm not disappointed. In every competition, there's a winner and a loser. And I am not lucky that night," sabi naman ni Jimmy.
"I was shaking before the announcement. That's why I collapsed when they called my name," saad naman ni Kris. "But my dream came true,'" pahabol nito.
Malaki ang prize na natanggap ni Kris. May cash prize na P1 million, P2.5 million na house and lot mula sa Masaito Development Corp., business franchise worth of P300,000, trip to Hong Kong for two, etc.
Contract star na rin siya ng Star Records, gaya ni Tata. Si Jimmy naman ay magiging contract star ng Viva Records.
-
- 
|
|