|
|
|
 
inawagan ni Rudy Fernandez si Gabby Concepcion para sabihing, "O, pare, ayos na pala
kayo ni 'Nay Lolit (Solis), eh, di puwede ka nang bumalik sa pag-aartista?"
Ang sagot ni Gabby ay mukhang matatagalan pa, dahil meron pa siyang "ilang kasong" naiwan sa Pilipinas, baka nga malabo pa siyang makabalik.
Sa mga hindi pa nakaaalam, hindi sinasadyang nagkita ang dating "mag-inang" si Lolit Solis at Gabby Concepcion sa victory party ni Manny Pacquiao sa Las Vegas .
"Juice ko, nu'ng sinabi nga sa akin ni Jojo Gabinete na nandu'n si Gabby, pinuntahan ko agad. Sabi ko, 'Hoy, Gabby, kung gusto mong patawarin kita, bigyan mo ako ng $100, dali!'
"Sabi ng putah, 'O, ayan, hindi ka na galit, ha? Bati na tayo, ha?' Naisip ko that time ang panghaharbat. Nakalimutan ko, 'Teka, kagalit ko 'to, ba't ko binati?'"
Pero sabi namin kay Ate Lolit, gano'n talaga. Umiiral pa rin sa puso niya ang kapatawaran, lalo na't naging "anak" din naman niya si Gabby sa mahabang panahon.
"Ang nakalolokah! Tumawag ang Gabby sa anak kong si Sneezy, at kinumpirma ng putah sa anak ko kung totoong hindi na 'ko galit sa kanya! Hahaha!"
Kung sakaling bumalik si Gabby, willing ba siyang i-manage uli ang career nito?
"Sa totoo lang, anak," patuloy ni Ate Lolit, "Guwapo pa rin si Gabby hanggang ngayon, pero 'yung ima-manage ko pa siya? Hindi na, siyempre!
"Tama na 'yung napatawad ko na siya. Hanggang du'n na lang 'yon, 'no!"
* * *
Nakalolokah ang ipinahayag ni Mommy Beth Jones sa ETK na kapag may nangyaring masama sa kanya, sa anak niyang si Angelica Jones at sa PRO nila ay si Onemig Bondoc lamang daw ang may kagagawan.
May pagka-killer daw kasi si Onemig, dahil ibinulgar ni Mommy Beth na sinabi sa kanya ni Onemig na balak nitong ipapatay ang nanay ng ex-girlfriend niya.
Natawa naman si Onemig at ang sabi, "Ba't ko naman babalaking ipapatay ang nanay ng ex-girlfriend ko, eh, hindi ko pa naman naging girlfriend si Angelica?"
Doon kami mas natawa.
* * *
Narito ang mga narinig naming pasok na personalidad sa celebrity edition ng Pinoy Big Brother: Una, si
Rustom Padilla. Tapos, si Zanjo Marudo (Bench underwear model), Rico Robles (dj ng RX 93.1), John Prats, Barbie Chan (taga-Metro).
Narinig din namin si Rosanna Roces, pero antabayanan pa rin natin kung siya'y pasok. Si Keanna Reeves naman ay 50-50 pa rin daw ang chances.
Si Amy Perez naman ay narinig din namin, pero idinenay ito ni Amy mismo sa amin, at ang sabi niya: "Ni hindi ako nag-audition, paano akong tatanggapin?
"Inimbita nila ako para daw may Kumander Nene sa loob, pero juice ko, kung sasali pa 'ko riyan, ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tao?
"Wala na ngang ama 'yung anak ko, iiwan pa nu'ng nanay para lang makasali sa Pinoy Big Brother? 'Wa na."
-
- 
|
|