ay dahilan na ang mga viewers para makipagbonding at makitawa sa kanilang mga pamilya tuwing Martes ng gabi dahil sa ipinagmamalaking sitcom ng GMA-7, ang Bahay Mo Ba ‘To? Na ipinakikita ang makulay at katawa-tawang aspeto ng buhay ng karaniwang pamilyang Pinoy.
Walang kapantay na tawanan ang hatid sa inyo ng beteranong komedyante at impersonator na si Tessie Tomas at Ronaldo Valdez sa kanilang pagganap bilang magkapatid na lumaking nakikipag-kompetisyon sa isa't isa. Nang manahin ng magkapatid ang Casa Mulingtapang mula sa kanilang yumaong ina, lumala na ang kompetisyon ng dalawa dahil sa kanilang paghahati ng bahay sa gitna. Siguradong nakaka-relate kayo sa nakalolokong kuwento ng nagsasapawang magkapatid na ito.
Ito ang malaking pababalik ni Tessie Tomas sa pagpapatawa sa telebisyon bilang si Baby Mulingtapang-Benoit, ang mas maykayang Mulingtapang na nakapag-asawa ng ItalyanongPranses na sinusustentuhan siya mula sa Italy . Kaya naman naging mayabang si Baby, lalo na ‘pag may padala ang asawa, subalit kuripot naman ito. Sinisiguro rin niya na ang kanyang bahagi ng bahay ay mas maayos at maganda kaysa sa bahagi ng kapatid niya. Pero hindi rin naman nagpapahuli si Nene Mulingtapang (Ronaldo Valdez) na kahit may-ari lamang ng sari-sari store at kitang-kita sa kanyang bahagi ng bahay na mas mahirap siya, kailangang meron din siyang mga appliances na meron si Baby.
Mapapahalakhak talaga kayo sa hitsura ng bahay, dahil bagama't sobrang magkaiba ang panlabas na hitsura ng dalawang bahagi, may mga bagay at bahagi naman sa loob ng bahay na kapwa sila nakikinabang at nag-aagawan ang mesa sa komedor na maaaring maurong (kaya naman ‘pag may bisita ang isa, hinihila niya palapit sa kanya ang mesa para mas malaki ang espasyo niya at liliit naman sa kabila), ang larawan ng kanilang mga magulang (ang kalahati ng larawan kung nasaan ang ama nila ay na kay Baby dahil sa daddy's girl, at ang sa ina nila ay na kay Nene dahil mama's boy siya), ang banyo, at ang kusina. Mababa rin ang pader na naghahati sa dalawang bahagi ng bahay, kaya't minsan nagkakarinigan sila tuwing pinag-uusapan ang isa't isa. Nakikigulo at humihirit din ang mga multo ng kanilang mga magulang (na mukhang mas pinatandang Nene at baby) tuwing nag-aaway ang magkapatid.
Kaagad tinangkilik ng mga Kapuso viewers ang Bahay Mo Ba ‘To? dahil binubuo ang cast nito ng mga beterano at bagong mukha sa mundo ng komedya. Kasama rito sina Wendell Ramos, bilang ang guwapong-guwapong si Manny Boy Mulingtapang, ang nag-iisang anak ni Nene, si Pekto – na bida sa unang pagkakataon – bilang Jonathan David Mulingtapang Benoit, ang anak na lalaki ni Baby na walang bahid ng pagiging mestiso kahit Pranses ang ama: Sunshine Dizon bilang Dorothy Mulingtapang Benoit, ang anak na babae ni Baby na mahilig pumunta sa malls; Gladys Reyes – sa kanyang unang sitcom - bilang si Kelly, ang ilusyonadang asawa ni Manny Boy; at Sherilyn Reyes bilang Jessica, ang frustrated beauty titlist na pinakasalan si Jonathan dahil sa magandang apelyido nito. Kasama rin sa katatawanan ang seksing-seksing si Francine Prieto at si Keempee de Leon, sa role na isang bading. Makikigulo rin sina Chynna Ortaleza, Dino Guevarra, Tiya Pusit, at ang Starstruck Kids na sina Gabriel at Bea Binene Roxas.
Napapanood ang Bahay Mo Ba ‘To? tuwing Martes ng gabi sa GMA KiliTV.
-
-