|
ARTICLE
SEARCH |
|
|
| |
Other
Celebrity Homes: |
|
| |
|
|
| |
| |
|
|
|
|
 n ABS-CBN's Basta't Kasama Kita, she is Strawberry, the mother of the character played by Judy Ann Santos. In her house in Pasig , Sylvia Sanchez, at 33, is wife to businessman Art Atayde and mother to Arjo, Ria and Gela . Juggling the life of a soap opera celebrity and a topnotch homemaker, she realized her greatest challenge ever is – flowers. Make her touch anything but that. In this interview, Sylvia welcomes you home…
ADRIAN PASOS (AP): You practically designed the entire house. Are you a natural?
SYLVIA SANCHEZ (SS): Hindi ako nag-aral. Ngayon ko lang nalaman na meron pala akong gift kasi ‘yung buong bahay, kahit sa gate, ako ang buong nag-design. Hindi ako nag-i-stick sa isang style, tinitimpla ko rin.
AP: Your house is beige in and out.
SS: Maaliwalas kasi ang beige, eh. Ang sarap sa mata ‘yung maliwanag. Ang tanging madilim lang ay ang entertainment room.
AP: The entertainment room is one of the best I've seen.
SS: ‘Yung design, sabi ko sa designer, gusto ko nang grey, black and red. Mga kulay ng kurtina. ‘Yan, diyan ako magaling. Dito kasi hindi puwedeng pastel ang kulay, eh. Kailangan dark talaga. Supposed to be, itong upuan dito, dapat upuan ng sinehan, parang ‘yung sa movie house talaga. Sabi ko ‘wag na, kasi mas masarap kung Lazy Boy. Mas mahal nga lang., pero mas relaxed. Nasa bahay ka naman, eh, wala ka talaga sa sinehan.
AP: But the entertainment room is Art's idea?
SS: Mahilig siya sa movies. Dumating ‘yung point na sabi niya “Gusto ko merong entertainment room. Gusto ko may malaking screen.” ‘Yun ‘yung idea niya. Nag-hire kami ng gagawa nito. Ako ang nag-design, ako bumili ng lahat ng gamit. Sa kanya (Art) ang idea, siya ang tagapagbayad. ‘Yung design ng loob nito, ako. Ako ang namili ng laman. Mga tiyahin niya ang nagbigay ng lahat ng klase ng wines sa bar. 
AP: This is perfect for sleepovers!
SS: ‘Yung mga anak ko, nagdadala ng mga kaibigan nila. Every Friday, may mga natutulog diyan na kaibigan nila. At least, masaya ako dahil mga classmates nila nandito. Hindi ‘yung mga anak ko ang nawawala kasi hindi ko rin pinapayagan. Dito sila nanonood ng video, kumakain. Ang ginagawa nila, sa room, tatlo ang kasya sa kama niya. Minsan lima sila. Nagre-recline naman ‘yung Lazy Boy, ang sarap. Like, kami, barkada namin, inuman lang. Paggising naming alas-nuebe na. Masarap kasi sobrang lamig. Maganda magsigawan kami, ‘yung kabilang room ng anak kong baby, hindi kami naririnig kasi sound proof ‘to eh. Kahit may mag-away sa baba, hindi natin maririnig dito.
AP: How come a novice like you was able to design like a pro?
SS: Nagbabasa ako. Mahilig ako sa magazines. Makikita ko ‘yung picture, ‘ayan na may idea na. Doon lang nag-umpisa ‘yun, tuloy-tuloy na siya.
AP: You're not just the designer but also the mommy of the house. Are you strict?
SS: Sobra. As in, ang kakampi ng mga anak ko, daddy nila. ‘Yung daddy din naman nila, humihindi rin sa kanila pero mas madaling utuin ang daddy. Lambingin lang, bigay na. ako ‘yung naninigaw.
AP: Describe your eldest.
SS: Si Arjo, dahil nagbibinata na, may sarili nang mundo. Nag-uumpisa nang magbarkada. Mabait si Arjo, eh. Tahimik ang lalaki ko ‘tapos malambing.” Mahilig siyang mag-computer. Nakakulong lang sa kuwarto. Si Arjo, kuyang-kuya doon sa bunso, si Gela . Hindi puwedeng marinig niyang umiiyak si Gela , nagagalit sa yaya ‘yan. Pumapasok sa kuwarto, siya ‘yung, “Kumain naba, uminom na ba ng gatas?” Alam mo ‘yang ganu'n? Kuya talaga. ‘Pag tapos ng ng school at Friday, sasabihin niya, “Mom, punta ako sa mall.” Magpapaalam siya.
AP: Maria Sophia is your second. She's 12 right?
SS: Si Ria (12) naman, kakampi si Gela . Sa mga anak ko, siya ang nagtuturo kay Gela ng mga sasabihin. Ginagaya niya ang ate niya. Malambing si Ria. ‘Pag pinagalitan si Ria, ‘pag tumataas ang boses ko, humahagulgol na ‘yan. Mabait na bata, responsible. ‘Pag nag-absent ‘yan sa klase kasi may sakit, nagagalit na ‘yan, nagwawala ‘yan. Responsible siya sa lahat ng bagay – sa school, bahay, kapatid. Para siyang matanda.
AP: How about Gela ?
SS: Siya ang queen ng bahay.
AP: What is the typical Atayde family day?
SS: Every Sunday, nagge-get-together kami sa bahay ng mommy at daddy niya (Art) sa Corinthian. Doon kami nagla-lunch. Kailangan talaga, hindi puwedeng hindi. Mawawala ka lang ‘pag Sunday ‘pag meron kang trabaho. After lunch, lalabas kami – Podium, Rockwell. Manonood ng sine, kakain sa labas. ‘Pag Saturday, dito kami sa bahay. ‘Pag ayokong lumabas, tatawagan ko ang barkada ko. Ang iniinom lang naming wine, eh. Pa-cute lang na inuman. Masabi lang na nag-inuman kami kagabi. Manonood ng DVD, nagsasayawan. Ang sarap ng buhay ko kasi siyempre bahay ko so naka-shorts lang, naka-T-shirt. Nagdi-disco kami. Nagdadala sila ng ulam. Papaluto sila. Simpleng buhay. Masaya.
AP: Seems now that you're well, satisfied. Are you still asking God for something?
SS: Gusto ko malaking pamilya, eh. Nalulungkot ako ‘pag maliit. Gusto ko marami rin akong apo. Promise. Sabi ko nga, tatlo na ‘yan, ‘di ba? Gusto ko tatlo pa. Ayaw na ni Art. Sabi ko “Okey lang, hindi naman ikaw mabubuntis, eh.” Sabi niya, “Eh, ayoko na kasi ang dami na, tatlo na. ‘Wag ka na magbuntis.” Sabi ko, “Ikaw ba umiinom ng pills? Puwede kong i-miss ‘yun. ‘Pag buntis na ako, wala ka nang magagawa.” Sasabihin ko sa kanya, two months na ‘kong pregnant. Wala na siya magagawa.” Pero ngayon, stop. Ipon muna kami. Lumalaki ang mga bata. Gastos. Mahal pa ng tuition fee.
AP: What else do you do at home? Hmmm, cooking?
SS: Modesty aside, magaling akong magluto. Mga barkada ko, tatawag ‘yan. “Uy, kain kami diyan.” Isa lang request nila palagi, tuna loaf. So, ako ang nagluluto. Chicken a la-King. Before, hindi ako marunong magluto. Kahit itlog sunog. Na-insecure lang ako. Isa pa, ‘yung husband ko, ‘pag umuuwi siya, hindi kumakain sa bahay ko. Papa'no ba naman, everytime kasi kakain, magbubukas ako ng corned beef, ipiprito, mga canned goods.
AP: What do you want for yourself?
SS: Wish ko talaga mag-aral. ‘Yun ang gusto kong matutunan. ‘Di ba, sabi ko sa ‘yo ako ang nag-design ng bahay? So nakita ko, “Oh, meron pala akong taste. May utak pala ako pagdating sa ganyan.” Gusto ko i-develop. ‘Yon ang gusto kong pag-aralan.
(Articles lifted from S Magazine)
-
-  |
|